Ito ang unang pagkakataon na susulat ako ng dalawang beses sa isang araw. 11:03pm na. Iniisip ko baka kumakain pa siya kanina o kaya may ginagawa lang kaya hindi ako natext. Pero halos patapos na ang araw at wala pa rin akong natatanggap na message sa kanya. Isa lang ibig sabihin nito. Hindi man lang niya napansin na wala ako dahil hindi naman talaga niya balak na hanapin ako. Hindi siya nakaalala. Masakit. Pero wala akong magagawa. Hindi naman niya kasalanan na naghintay ako na maalala niya ko. Ako lang naman ang may gusto. Baka nga option lang talaga. Pag wala siyang kasama, dun niya ko nakikita. Hinahanap. Inaalala. Ang masama nito, nasabi ko yung ibang feelings ko sa kanya. Naisulat ko na dati dito kung paano yun nangyari. Yung "Almost Another Heartbreak". Sinabi ko yung naging ending ng ibang pakikipagkaibigan ko dati. Ayokong mangyari sa amin yun. Naniwala ako sa kanya nun. Pinanghawakan ko yung mga sinabi niya. Pero wala e. Mukang ganun talaga. Hanggang ganun na lang siguro. Ayokong isipin niya na nilalayuan ko siya. Dahil hindi naman talaga. Nararamdaman ko lang na parang pag nadaanan ako ng mata niya at pag may kailangan siya, dun pa lang niya ko kakamustahin. Pero pag wala, pag nakita niya ko, babati lang tapos exit na. End of conversation. Ewan ko ba. Gusto ko nga muna magbakasyon e. Lumayo muna. Yung wala siya. Hahanapin niya kaya ako? O parang wala lang? Bahala na. Sana mawala na to.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento