Kakakita ko lang sa kanya. Mga ilang minuto pa lang ang nakakalipas. Nakapila ako sa sakayan ng jip ng boni. Dati, sa tuwing dadaan ako dun, siya ang unang unang maaalala ko. Ngayong andito ako, siya pa rin ang unang sumagi sa isip ko. Yung chance na baka makita ko siya.
Habang tinitingnan ko siya, bumalik lahat ng mga alaala ko. Nung high school kame. Nung collage na minsan magkita, madalas hindi. Lahat bumalik. Masakit pala yun. Lalo na kung hanggang tingin ka lang sa taong yun. Tanaw na tanaw ko siya pero parang anlayo niya.
Iba yung sakit nung makita ko siya. Natulala ako at napansin ko na lang na may pumatak ng luha sa mga mata ko. Ganun pala yun noh? Pag nakita mo yung taong matagal mong di mo nakita sobra mo siyang namimiss at naiisip, pag andun na siya, masasaktan ka. Kasi nakita mong anlaki na ng ipinagbago niya. Hindi na kayo katulad ng dati. Akala at iniexpect mo na walang magbabago, pero hindi naman totoo.
Nakita ko kung paano pinagbabago ang isang tao ng panahon. Hindi ka na pedeng bumalik. At madalas, maniniwala ka na lang sa masakit na katotohanan na wala ka na talagang babalikan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento