skip to main |
skip to sidebar
DEFEATING MYSELF
Ala una na ng madaling araw, hindi pa rin ako natutulog kahit na sobrang pagod na ng katawan ko. Hindi ko mabuksan ang friendster, sira ata kaya eto ako nagsusulat na naman ng walang kuwentang blog. And as usual tungkol na naman eto sa mga kadramahan ko sa buhay na walang humpay. Tungkol na naman sa "kanya" ito. hay, napapaisip tuloy ako kung hanggang kailan kaya ito. Parang akong sira, hindi pala, baliw pala ang tawag dun. Ilang beses ko ng pinag-isipang mabuti na dapat na akong magbago. Dapat ko ng baguhin ang lahat sa akin. Ika nga, i really want to be matured enough to face all the problems i have right now so that i can make decisions that i would not regret soon. Nakakapagod din pala yung paulit ulit na mga kadramahan. Ngayon ko lang napagtanto sana noon pa para hindi na siya nahirapan pa. Ang bait ko talagang kaibigan.hehe..Siguro yung mga sinabi ko sa "kanya" noon kinalimutan na niya at baka iniisip pa niya na sinungaling ako dahil parang hindi ko naman naipapakita sa "kanya" yun eh. Dahil sa karanasan kong yun ang daming kong natutuhan. Kaya ililista ko sila para reminders na din sa akin.:> matutong tanggapin ang katotohan. ito ang pinakaimportnate sa lahat. wag maging bulag dahil sa gusto mo pang mabalik sa ayos ang nasira na kung parang wala namang nagyayaring pagbabago sa kabila ng lahat ng pagsusumikap mo.
> hindi mo magagawang maayos mag-isa ang problemang pareho ninyong ginawa.
> isipin mo ang nararamdaman niya. wag maging makasarili. wag ipilit kung ayaw na ng isa.
> parehong puso at isip ang gamitin sa pagdedesisyon. wala dapat nakakaangat sa bawat isa. dapat pantay lang.
> maging balanse sa lahat ng bagay. pahalagahan ang bawat pagkakataon.
> maging mahinahon sa harapan niya. ipakita mong nagbago ka na.
> wag hayaang patuloy na mabuhay sa nakaraan. ikaw lang din ang mahihirapan kung lagi mo iisipan ang mga nangyaring hindi mo na maibabalik pa.
At higit sa lahat ay yung isa pang sinabi sa akin ng isang kaibigang nagmamalasakit sa akin.
"WAG MO NANG ISIPIN YUN. IKAW LANG NAHIHIRAPAN. UNFAIR YUN PARA SAYO. IKAW NAGHIHIRAP TAPOS SIYA HINDI NAMAN NIYA YUN INIISIP. UNFAIR TALAGA".oo nga, tama yung mga sinabi niya. buti na lang napagsabihan niya ako.
sana magawa ko to.ay mali, hindi pala sana. dapat ito ang gawin ko. hindi ako magpapatalo.
I AM NOT INTERESTED IN THE POSSIBILITIES OF DEFEAT. THEY DO NOT EXIST.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento